Naka-full alert status ang NLEX Corporation dahil sa banta ng Tropical Cyclone Uwan na inaasahang makaaapekto sa Hilaga at Gitnang Luzon ngayon hanggang Lunes.
Bilang bahagi ng paghahanda, nagsagawa ang kumpanya ng maagang inspeksyon upang masiguro ang kahandaan ng mga personnel at equipment sa pagtugon sa anumang sitwasyon.

 

👉 Fully deployed ang patrol at traffic teams upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista.
👉 Naka-stand
by ang emergency response teams kasama ang water pump trucks, flood barriers, at rescue boats.
👉 Patuloy ang monitoring ng water levels sa mga creek sa mga critical areas habang nagsasagawa rin ng clearing operations sa mga drainage upang matiyak ang maayos na daloy ng tubig at maiwasan ang pagbaha.
👉 May mga stationed field personnel sa key areas para sa mabilis na assistance kung kinakailangan.
Pinapayuhan ang mga motorista na maging maingat sa biyahe at sumubaybay sa traffic advisories sa aming Facebook/X accounts at MPT Drive Hub app.
Kung sakaling mangailangan ng tulong sa NLEX, SCTEX at NLEX Connector, tumawag lamang sa 1-35000 o di kaya ay mag-message sa aming Facebook/X accounts, NLEX Corporation.
Ingat po.